Home METRO Oil spill sa Badoc, Ilocos Norte, hinaharap ng multi-agency response

Oil spill sa Badoc, Ilocos Norte, hinaharap ng multi-agency response

1
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Gumamit ng absorbent pads at spill booms ang mga uniformed personnel, government workers, at volunteers noong Martes upang mapigilan ang pagkalat ng oil spill matapos sumadsad ang isang cargo vessel sa baybayin ng Barangay La Virgen Milagrosa sa Badoc, Ilocos Norte.

Ayon sa pulong ng multiagency oil spill response team na binubuo ng Philippine Coast Guard, Philippine Marines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at lokal na pamahalaan ng Badoc, inatasan ang ship manager ng barkong MSCI 1 na isara ang engine leak upang maiwasan ang dagdag na pinsala sa kabuhayan ng mangingisda at marine biodiversity.

Sinabi ni Provincial Environment and Natural Resources Officer Victor Dabalos na ang barko ay galing Omnico Port sa Currimao at may legal transport permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ayon sa kanya, ang barko ay may kargang aggregates papuntang Calayan, Cagayan nang mag-emergency beaching ito dahil sa masamang panahon noong Hunyo 8, 2026.

Natukoy na ang oil spill ay mula sa engine leak, habang nananatiling selyado ang reserve oil ng barko.

Patuloy ang coastal cleanup drive sa lugar upang alisin ang mga debris malapit sa lumubog na barko. Ayon sa DENR, sila ay nagpapatuloy sa debris management, pag-validate ng apektadong coastal resources, at koordinasyon sa iba pang ahensya para bantayan ang epekto ng oil spill. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here