Home HOME BANNER STORY Ombudsman Martires tinumbok ni Madriaga: Nakatanggap ng payola mula kay VP Sara,...

Ombudsman Martires tinumbok ni Madriaga: Nakatanggap ng payola mula kay VP Sara, 125M confidential funds naubos sa 24 oras

136
0

MANILA, Philippines – Sa pagharap sa House Committee on Justice impeachment hearing, iginiit ni Ramil Madriaga sa kanyang 24-pahinang supplemental affidavit na naghatid siya ng malalaking halaga ng pera sa ilang indibidwal, kabilang umano ang mga opisyal ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay Madriaga, “Previously and upon direct instructions of PRRD or Sara, I have also delivered money to Ombudsman Samuel Martires or Atty. Ryan which I usually placed inside an open trunk of a designated car.”

Sinabi niya na noong Disyembre 20, 2022 ay pinakilos siya ni Vice President Sara Duterte at nakipag-ugnayan kay Col. Dennis Nolasco ng Vice-Presidential Security and Protection Group para kunin ang pera sa DepEd Central Office sa Pasig.

Ayon sa kanya, dinala ang ilang malalaking bag na naglalaman ng tig-P30 milyon hanggang P35 milyon, na inilagay sa iba’t ibang sasakyan para sa umano’y deliveries sa Laguna, Quezon City, at iba pang lugar.

Dagdag niya, isa sa mga bag ay dinala sa Nommu Basho sa Tomas Morato, Quezon City, habang ang isa ay sa Cabuyao, Laguna. May bahagi rin umano siyang kinuha bilang “share” na P1 milyon.

Ikinuwento rin niya na ilang oras lang umano ang ginugol sa pag-distribute ng P125 milyon na confidential funds noong 2022, at hindi 11 araw gaya ng naunang lumabas sa media.

Ayon pa sa kanya, naulit pa ang mga ganitong transaksyon at minsan ay personal pa niyang naihatid ang pera sa ilang indibidwal na konektado sa mga operasyon.

Giit ni Madriaga, mali ang pagtanggi ni VP Sara Duterte na wala silang ugnayan.

“Her denial of any affiliation with me is absolutely false. She lied under oath…,” aniya. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here