Home NATIONWIDE Ombudsman pinakakasuhan si suspended Cebu Mayor Rama sa nepotismo

Ombudsman pinakakasuhan si suspended Cebu Mayor Rama sa nepotismo

MANILA, Philippines – Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman ang nasuspindeng mayor ng Cebu City na si Michael Rama.

Nakakita ng probable cause ang Ombudsman upang sampahan ng tatlong bilang ng kasong nepotism o paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang dating alkalde.

Nag-ugat ang kaso sa natangap na reklamo ng anti graft body na diumamo ay kinuha ni Rama ang dalawang kapatid ng kanyang asawa upang magtrabaho bilang casual employees ng Cebu City Hall.

Sa 15 pahinang resolusyon, sinabi mg Ombudsman na malinaw na patunay na kapatid ng asawa ni Rama sina Elmer at Gomer batay sa kanilang Certificates of Live Birth. Dahil dito, maituturing na nepotistic appointments ang ginawa ni Rama.

Ayon sa Ombudsman, walang basehan ang deoensa ng suspendidong alkalde na palihim sa kanyang pinapirma ang plantilla ng casual appointments para kina Elmer at Gomer.

Magugunita na isang Jonel Saceda o “Inday Josa Chiongbian Osmeña” sa social media ang naghain ng mga reklamong nepotism, grave misconduct, at graft and corruption laban kay Rama.

Bukod sa kasong katiwalian, si Rama kabilang ang pitong iba pang opisyal ng munisipyo ay pinatawan ng six-month preventive suspension bunsod ng hindi pagbabayad ng sahod ng ilang empleyado ng city hall. Teresa Tavares