Home NATIONWIDE Ombudsman Remulla: Lahat ng dapat kasuhan, kakasuhan

Ombudsman Remulla: Lahat ng dapat kasuhan, kakasuhan

326
0

MANILA, Philippines – Nangako si bagong Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na uusigin ang mga dapat usigin, at iginiit na hindi siya nangingimi sa pagpapairal ng batas.

“My record will speak for itself. Wala akong sinisino. Sa panahon namin sa DOJ, maraming makapangyarihang tao ang napakulong,” ani Remulla sa panayam ng Super Radyo DZBB.

“Hindi ako nangangako, pero malinaw ang direksyon — ‘yung mga dapat kasuhan, kakasuhan,” dagdag niya.

Itinalaga si Remulla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos talunin ang anim na iba pang kandidato, kabilang sina Michael Aguinaldo ng COA, Stephen Cruz ng Court of Appeals, at Samuel Gaerlan ng Korte Suprema.

Tiniyak ni Remulla na paiigtingin ng Office of the Ombudsman ang mabilis na imbestigasyon at paghahain lamang ng kaso kapag matibay ang ebidensya. “Kung hindi mo kayang i-convict base sa ebidensya, huwag mo munang isampa ang kaso — ayusin mo muna,” aniya.

Plano rin niyang isulong sa Kongreso ang paglikha ng Ombudsman Marshals upang maiwasan ang pagtagas ng impormasyon at matiyak ang ligtas na pagpapatupad ng search warrants.

Manunungkulan si Remulla bilang Ombudsman hanggang 2032, at maaari lamang tanggalin sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here