Home HOME BANNER STORY Ombudsman: “Sophisticated methods” ginamit sa pandarambong sa flood control

Ombudsman: “Sophisticated methods” ginamit sa pandarambong sa flood control

123
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Office of the Ombudsman nitong Martes na umano’y gumamit ng “sophisticated methods” ang mga akusado sa pandarambong na may kinalaman sa flood control projects.

Sa isang panayam, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na natagalan ang paghahanda ng kaso dahil sa pagiging masalimuot ng sinasabing iskema.

“We are dealing with very sophisticated methods that really need to be decoded, and the scheme by which money was plundered appears to be clean,” ani Clavano.

Ito ang tugon ni Clavano nang tanungin kung bakit naantala ang paghahanda ng plunder charges kahit matagal nang pinangalanan sina dating House speaker Martin Romualdez at dating Senate president Chiz Escudero ng ilang pangunahing personalidad na iniugnay sa umano’y flood control scam.

Ayon kay Clavano, komplikado ang kasong plunder at hindi ito katulad ng ibang krimen kung saan madaling matutukoy ang suspek at ang ginamit na paraan sa paggawa ng krimen.

Ipinaliwanag din niya na ang mga dokumentong may kaugnayan sa naturang kaso ay hindi kusang dumarating sa Ombudsman kaya kinakailangang busisiin ng kanilang tanggapan ang lahat ng papeles nang “step by step” upang matukoy ang katotohanan.

Sinabi rin niya na mahalaga ang witness development dahil may ilang testigo na una umanong nag-atubiling maglahad ng mahahalagang impormasyon dahil hindi pa nila tiyak kung paano sila masasangkot sa kaso.

“We are trying to make sure that all of these are clear to the Office of the Ombudsman. So, once we present them in court, they are just as clear to the justices of the Sandiganbayan,” giit pa niya.

Nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Lunes na naghahanda ang kanyang tanggapan ng plunder charges laban kina Romualdez at Escudero.

Ayon kay Remulla, “there was a conspiracy to commit plunder,” at ang kaso ay “flood control related in many ways.”

Dagdag pa niya, posibleng maisampa ang mga kaso sa loob ng Mayo habang tinatapos pa ng kanilang tanggapan ang mga natitirang detalye. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here