Home HOME BANNER STORY Ombudsman: Zaldy Co, iba pa kinasuhan na sa Sandiganbayan

Ombudsman: Zaldy Co, iba pa kinasuhan na sa Sandiganbayan

420
0

MANILA, Philippines – Patong-patong na kaso ang kakaharapin ni dating Ako Bicol Party-list Rep.Zaldy Co at ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.

Ito ay matapos pormal na maghain ang Office of the Ombudsman ng kauna-unahang kaso sa Sandiganbayan.

Inanunsyo ngayong araw ng Ombudsman ang inisyu nitong resolusyon matapos angĀ  dalawang buwan imbestigasyon, pagkalap ng mga ebidensya, at mga testimonya, para makapagsampa ng kasong kriminal laban sa ilang mga sangkot sa kontrobersiya.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, sinampahan nila ng kasong kriminal sina former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways ng Region IV-B, at pati board of directors ng Sunwest Corporation.

Kasong Malversation of Public Funds through Falsification of Public Documents, paglabag sa Section 3e ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa sa Sandiganbayan.

Habang sinampahan din ng hiwalay at karagdagang kaso si Zaldy Co sa paglabag nito ng Section 3 (b) ng RA 3019 sa pagtanggap ng ‘unwarranted financial’ o ‘pecuniary benefits’.

Ang kaso ay kaugnay sa flood control project ng konstruksyon ng Road Dike sa Mag-Asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano ang rekomendasyon ng Panel of Ombudsman prosecutors na di’ pagbigyan makapagpyansa si former Ako Bicol Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here