Home METRO Suporta sa Agri sector, pinaigtin ni PBBM

Suporta sa Agri sector, pinaigtin ni PBBM

302
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako ng administrasyon na suporta sa agriculture sector sa pamamagitan ng “Buwan ng Butil” Serbisyo Caravan, isang inisyatiba na dinisenyo para makapagdala ng mahalagang agricultural services na direkta sa publiko.

Sa press briefing sa Malakanyang, inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang caravan – inilunsad sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ay naglalyong gawing mas malalim pa ang kamalayan ng publiko at appreciation ng agriculture sector.

“Sa ilalim ng programa, inilalapit mismo ng DA sa mga mamamayan ang mga serbisyo nito upang ipamalas ang suporta ng pamahalaan sa ating mga magsasaka, mangingisda, at mamimili,” ani Castro.

“The caravan features key initiatives, including the Kadiwa Program, which offers affordable rice at PhP20 per kilo, the distribution of free seedlings, fingerlings, and coconut seedlings, as well as training on organic agriculture.

The program also promotes food security and sustainable farming practices,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Ang caravan ay matatagpuan sa ilang lugar sa Kalakhan gaya ng BPI Compound in Malate, FTI Administration Building sa Taguig, at NFA Building sa Visayas Avenue sa Quezon City.

Samantala, inanunsyo naman ni Castro na ang “Benteng Bigas, Meron Na” program ay nakakasa na sa Catanduanes, isa sa mga lalawigan na matinding naapektuhan ng Super Typhoon Uwan.

“Ito’y bahagi ng adbokasiya ng administrasyong Marcos Jr. upang gawing abot-kamay ang pagkain para sa mga kabilang sa vulnerable sectors,” ayon kay Castro.

Prayoridad ng programa ang vulnerable sectors, kabilang na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members, persons with disabilities, solo parents, at senior citizens.

Hinikayat naman ni Castro ang lahat ng eligible beneficiaries na bisitahin ang Kadiwa ng Pangulo outlet na matatagpuan sa Capitol Grounds sa Virac, Catanduanes, para makapag-avail ng serbisyo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here