Nakiisa si dating Alkalde Omil Poblete o kilala sa tawag na “Nanay Omil” kasama ang Team Poblete-Guarin sa 19th na anniversary ng Cavite Varsitarian, isang samahang naglalayong bumuo ng isang magandang komunidad sa Bayan ng Silang kahapon.
“Nakasama natin dito ang ating mga kapatid na Silangueño mula sa iba’t ibang barangay na katuwang natin sa pagbuo ng isang masaya at matayog na komunidad para sa lahat,” pahayag ni Poblete.
Gaya ng iba pang organisasyon at kapatiran, kinamusta ni Poblete ang mga miembro nito at kinuwa ang posibleng mga suhestyon nito sa ikagaganda ng Bayan ng Silang.
“Asahan ninyo na sama sama nating pagtutulungan, mabubuo natin ang masigla, masaya at payapang Silang para sa lahat. Mahal kayo palagi ni Nanay Omil. Maraming salamat sa suporta,” mensahe ni Poblete bilang guest of honor ng Cavite Varsitarian.
Kamakailan ay binati din nito ang iba pang grupo at frat gaya ng Tau Gamma at Akrho na ayon sa nag babalik bilang Alkalde ay malaki ang matutulog hindi lamang sa Bayan ng Silang bagkus ay sa bansa. Cesar Morales