MANILA, Philippines – Idiniin ng Commission on Elections (Comelec) at Office of the Solicitor General (SolGen) ang pangangailangang amyendahan ang halos apat na dekada nang Omnibus Election Code (OEC) para mabisang maparusahan ang iba’t ibang poll offense.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi matukoy ng Comelec ang isang krimen kung walang batas na nagpaparusa dito.
Ayon kay Garcia, magiging epektibo lang Ang Comelec sa pagpapatupad ng batas kung auodated ang mga batas.
Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Comelec at Office of the Solicitor General, National Amnesty Commission, at ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa punong tanggapan sa Intamuros, Manila.
Suportado rin ni Solicitor General Menardo Guevara ang pahayag ni Garcia at binanggit ang isyu sa premature campaigning.
“Malayo pa election, ang dami ng personalities na nagsusulputan — tarpaulins, commercials and so on na alam naman na part ito ng kanilang campaign strategy. But meron tayong batas na kung hindi pa campaign period ay hindi pa matatawag na premature campaigning. We know this as a fact but is not reflected in the law,” sabi ni Guevara.
Aminado si Guevarra na hindi kasama ang naturang panukala sa mga priority bill na ipapasa ng mga mambabatas.
Noong 2009, pinagtibay ng Korte Suprema (SC) ang probisyon sa kaso ng Peñera vs. Comelec, na naging daan para maalis ang premature campaigning bilang isang election offense.
Sa kabilang banda, ang MOA na nilagdaan ng poll body at PTFoMS ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan at paggalang sa mga karapatan ng mga miyembro ng pamamahayag na nagko-cover ng halalan.
Nilagdaan ni Garcia ang MOA sa ngalan ng komisyon habang kinatawan ni executive director Undersecretary Paul Gutierrez ang PTFoMS,
Kinikilala nito ang mahalagang papel ng media sa masusing pag-uulat at pagbibigay-kahulugan sa balita, pag-iingat na huwag sugpuin ang mga mahahalagang katotohanan o baluktutin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkukulang o hindi wastong pagbibigay-diin. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)