Home NATIONWIDE Quo warranto vs Guo isasampa bago mag-Agosto – OSG

Quo warranto vs Guo isasampa bago mag-Agosto – OSG

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Office of the Solicitor General na bago matapos ang Hulyo ay maisasampa na ang quo warranto petition laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na pinagsasama sama na nila ang mga bagong ebidensiya na nadiskubre mula sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano’y ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban.

Ang quo warranto ay isang special civil action na ginagamit upang mabatid kung ang isang indibidual ay may karapatan na humawak ng posisyon sa gobyerno.

Nilinaw ni Guevarra na dati pa sana nila naihain ang petition for quo warranto ngunit may mga bagong ebidensya na lumalabas kaya pinag-iisa na lamang ito ng OSG upang lalonh mapalakas ang petisyun.

Naghain na rin ang OSG ng petisyon para kanselahin ang birth certificate ni Guo dahil sa kabiguan niyang makapagpasa ng legal requirements para sa late registration.

Si Guo ay iniimbistigahan ng Senado dahil sa umano’y koneksyon nito sa sinalakay na POGO sa Bamban.

Naging kwestyunable rin ang citizenship niyo matapos madiskubre na nairehistro lamang siya noong siya ay 17 anyos na. Teresa Tavares