MANILA, Philippines – Tatalakayin ng mga tourism minister ng ASEAN ang pagtatatag ng isang unified tourist visa sa darating na mga pulong sa Cebu, bahagi ng tatlong-araw na ASEAN Tourism Forum (ATF) mula Enero 29 hanggang 30.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, bahagi ito ng ASEAN Tourism Strategic Plan (ATSP) upang mapabuti ang seamless access at accessibility sa rehiyon.
“As part of the ASEAN tourism strategic plan (ATSP), there is a priority on seamless access and accessibility overall to the region, and therefore visa-free access and unified visas may be taken up as a component of the ATSP,” ani Frasco.
Dagdag niya, nakatuon ang lahat ng bansa sa ASEAN na itaguyod ang Timog-Silangang Asya bilang “one unified destination.” Hindi niya tinukoy kung aling mga merkado ang prayoridad ng unified visa, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pantay na benepisyo sa buong rehiyon.
“We can certainly both learn from each other and benefit from each other’s tourism flows,” dagdag niya.
Pinangunahan ni Frasco kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos ang pormal na pagbubukas ng ATF noong Miyerkules.
Bahagi ang kaganapan ng linggong ASEAN-related meetings sa Cebu sa ilalim ng Philippine ASEAN chairmanship. RNT