Home NATIONWIDE Online sexual abuse sa mga bata lumala sa 2.7M kaso

Online sexual abuse sa mga bata lumala sa 2.7M kaso

MANILA, Philippines – Iniulat ng Commission on Human Rights (CHR) ang malaking pagtaas ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Pilipinas, na umabot sa 2.7 milyon ang mga kaso sa pagtatapos ng 2023—anim na beses na mas mataas kumpara noong 2019.

Ayon sa CHR, ang kahirapan ang pangunahing dahilan ng pagdami ng mga kaso, at kadalasang kamag-anak pa ng biktima ang salarin, dahilan kung bakit natatakot at nahihiyang magsumbong ang mga bata.

“These gaps not only worsen the trauma experienced by child victims, but also contribute to continued underreporting, particularly in cases where parents are the perpetrators,” ayon sa CHR.

Nanawagan ang ahensya sa pamahalaan na pagbutihin ang trauma-informed na pagsagip, rehabilitasyon, at proseso sa batas, at iginiit ang obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Rights of the Child na protektahan ang lahat ng bata. RNT