MANILA, Philippines- Inilunsad na ng Bureau of Immigration (BI) ang online student visa at permit application.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang nasabing proyekto ay isang hakbang ng BI para sa modernisasyon sa pamamagitan ng automation services.
“This is a priority project of the BI to make things easier and more secure for foreign students to apply for their visas and permits,” ayon kay Viado.
Nabatid na ang sistema ay pinapayagan ang eskwelahan na mag-apply direkta sa BI upang mabawasan ang paperworks at magiging madali sa pamagitan ng online application.