Home NATIONWIDE Operasyon ng paliparan sa Okinawa, Japan sinuspinde sa tsunami

Operasyon ng paliparan sa Okinawa, Japan sinuspinde sa tsunami

JAPAN – Sinuspinde ang mga flight at ang kabuuan ng operasyon ng paliparan sa Okinawa, Japan ngayong Miyerkules, Abril 3 dahil sa banta ng tsunami.

Ito ay kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Taiwan nitong umaga.

Ayon sa ulat, ang operasyon ng Naha Airport ay sinuspinde mula alas-9:25 ng umaga bilang precautionary measure.

Ang mga paparating na flight ay agad na ililipat sa pinakamalapit na paliparan.

Sa abiso, posibleng umabot ng tatlong metro ang tsunami waves sa mga isla ng Japan kabilang ang Miyakojima island. RNT/JGC

Previous articleDavao RTC nag-isyu ng arrest warrant vs Quiboloy sa sexual abuse
Next articleSa kabila ng outbreak: Pagkalat ng pertussis, kontrolado – Herbosa