Home NATIONWIDE ‘Operation Listo’ nakapwesto na sa disaster, flooding response – DILG

‘Operation Listo’ nakapwesto na sa disaster, flooding response – DILG

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Department of the Interior and Local Government (DILG), araw ng Miyerkules na ‘nakapuwesto na’ ang mahalaga at kinakailangang hakbang para sa ‘disaster at flooding response’ sa pagsisimula ng La Niña phenomenon sa bansa.

Sa isang panayam sa Cavite, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na ang “Operation Listo” ay may mahalagang papel sa paghahanda sa publiko laban sa malakas na pag-ulan at malakas na hangin na dala ng weather phenomenon.

Ang Operation Listo ay isang advocacy program ng DILG na naglalayon na palakasin ang disaster preparedness ng LGUs gamit ang whole-of-government approach.

Ang unang bahagi nito ay tinawag na Listong Pamahalaang Lokal na inilunsad noong 2014, na ‘institutionalized local protocols for disaster preparedness, response and monitoring.’

“Well, ganito po, lahat ng DILG even before especially ang mga kanal, ang mga drainage dapat talaga linisin po iyan dahil hindi natin masasabi with La Niña.  It’s about two typhoons per month, even three with more water and probably stronger winds,” ayon kay Abalos.

“’Yan po ang climate change kaya iyan po ang aming direktiba sa lahat po. And of course, the Operation Listo kung palapit na (typhoon) meron silang mga procedures to follow when to evacuate,” dagdag na wika nito. Kris Jose