MANILA, Philippines – NANGAKO ang gobyerno ng Pilipinas na pangangalagaan nito ang lumalalim na bilateral relations sa Cambodia gaya ng ginagawa nitong patuloy na pangangalaga sa mga kaalyadong estado sa buong mundo.
Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa courtesy call ni Cambodia Deputy Prime Minister Sok Chenda Sophea, araw ng Martes, Agosto 27.
“I hope we can continue this. We will foster this relationship and continue to improve the relationship that we have had for many, many years,” ayon kay Pangulong Marcos.
Si Sok Chenda Sophea ay nasa Pilipinas para tumayong co-chair para sa 4th meeting ng Cambodia-Philippines Joint Commission for Bilateral Cooperation sa Pilipinas bunsod na rin ng imbitasyon ng Department of Foreign Affairs.
Layon ng pagpupulong na i-assess ang progreso kung saan ginawa ang pagpapatuapd ng mga kasunduan na napagtagumpayan ng dalawang bansa sa panahon ng 3rd meeting ng Cambodia-Philippines JCBC noong December 2021.
Kapuwa naman napanatili ng Pilipinas at Cambodia ang masayang ugnayan ng mga ito simula ng magpatuloy ang kanilang diplomatic relations noong 1995. Kris Jose