Home NATIONWIDE Opisyal ng COA tumestigo sa kaso ni Duque sa P41B COVID Funds

Opisyal ng COA tumestigo sa kaso ni Duque sa P41B COVID Funds

2
0

MANILA, Philippines – Tumestigo nitong Lunes ang isang records officer ng Commission on Audit (COA) sa graft case laban kay dating Health Secaretary Francisco Duque III kaugnay ng umano’y iregular na paglilipat ng P41 bilyong pondo ng Department of Health (DOH) sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa pagbili ng COVID-19 supplies.

Iniharap ni COA records custodian Eljun Jumamil ang ilang kahon ng mga dokumento sa ikalawang araw ng paglilitis sa Sandiganbayan First Division.

Kinuwestiyon ng kampo ni Duque ang pagtanggap sa mga dokumento dahil hindi pa umano napapatunayang pareho ang mga ito sa mga naunang minarkahang ebidensya. Gayunman, pinayagan ng korte ang pansamantalang pagtanggap sa mga dokumento habang isinasagawa ang beripikasyon.

Sinabi ni Jumamil na wala siyang naging partisipasyon sa paggawa ng mga dokumentong iniharap at wala rin siyang personal na ugnayan kay Duque noong panahon ng mga umano’y paglabag.

Ayon sa prosekusyon, sina Duque at dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao ay kumilos nang may masamang loob o matinding kapabayaan nang ilipat ang P41.46 bilyon para sa pagbili ng COVID-19 test kits, face masks, at iba pang pandemic supplies.

Iginiit ng mga piskal na inaprubahan ni Duque ang paglilipat ng pondo kahit alam umano niyang hindi nito mapapabilis ang procurement at kahit kaya naman ng DOH na direktang bumili ng mga kinakailangang kagamitan.

Itinakda ng Sandiganbayan ang susunod na pagdinig sa Hulyo 6, kung saan inaasahang tatestigo ang isang imbestigador ng Ombudsman. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here