Home METRO Opisyal ng NPA patay; 3 arestado sa engkwentro

Opisyal ng NPA patay; 3 arestado sa engkwentro

BUKIDNON- Patay ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) habang nadakip ang tatlo nitong kasama matapos makasagupa ang mga sundalo sa bayan ng Quezon noong Miyerkules.

Kinilala lamang ang nasawi sa alyas Rica/Tomboy na may mataas na posisyon sa natitirang kasapi ng Guerrilla Front 7 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Nadakip naman ang dalawa pa nitong miyembro habang ang isang ay sumuko.

Ayon kay Brig. Gen. Marion Angcao, commander ng 1003rd Infantry Brigade, naganap ang sagupaan sa Purok 8 Barangay Butong, ng naturang bayan.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang M16 rifle, M203 Grenade Launcher, AK47 Rifle, M1 Carbine Rifle, Caliber 45 pistol, 3 backpacks, anti-personnel mine, granada at 2-40mm high explosives.

Sinabi ni Angcao na ang namatay na si alyas Rica/Tomboy ay may iba’t ibang warrants of arrest sa kasong pagpatay, multiple attempted homicides, at paglabag sa Republic Act 10591 Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.  Mary Anne Sapico