Manila, Philippines – Naging pahulaan tuloy ang magkabukod na cryptic posts ng mag-inang Carmina Villaroel at Cassy Legaspi in their respective social media accounts.
Naka-post ito nitong April 9, Martes.
Ang kay Carmina ay sa Instagram na bale art card which says: “Don’t expect the same in return.”
Ang sa anak naman niyang si Cassy ay screenshot ng lyrics ng awiting Favorite Crime ni Olivia Rodrigo.
Makahulugan ang mga titik ng kanta, na nagpapahiwatig ng pagiging one-sided ng isang relasyon.
Sa wikang Ingles, walang reciprocity on part of the other party.
Timing na timing naman kasi ang mga posts ng mag-ina, na pinapalagay ng mga netizens ay para kay Darren Espanto.
Si Darren ang singer na sinasabing rumored boyfriend ni Cassy.
Sagot o reaksyon daw ‘yon ng mag-ina sa tugon ni Darren sa Karaoke Kids segment ng It’s Showtime nitong April 6 episode.
Guest ng araw na ‘yon si Jillian Ward, co-star naman ni Carmina sa afternoon teleserye ng GMA.
Naitanong kasi ng assigned host na si Vice Ganda kung may kasintahan na sina Jillian at Darren.
As for Jillian, wala raw. Pareho sila ng sagot ni Darren.
Dahil dito’y naghiyawan ang studio audience, wari y boto kung sakaling sina Jillian at Darren ang magkakatuluyan.
Kaagad namang maraming nag-react para kay Cassy whose take on Darren’s answer ay inaabangan.
In fairness to Darren ay nagpakatotoo lang daw siya, as in he and Cassy are simply the best of friends.
Gayunpaman ay naroon daw ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
‘Yun naman pala, eh…so the cryptic mesages, Carmina and Cassy? Ronnie Carrasco III