MANILA, Philippines – Muling binuhay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Oplan Alalay ngayong Undas 2024.
Kaugnay nito, minamadali ng DPWH ang pagkukumpuni sa mga kalsada at tulay na winasak ng bagyong Kristine.
Ayon sa DPWH, ang pagkukumpuni sa mga kalsada ay upang mapabilis at maayos ang byahe ng mga uuwi sa probinsya at luluwas ng Metro Manila na gugunita sa Araw ng mga Kaluluwa.
Sa pamamagitan ng Oplan Alalay, giginhawa ang byahe para sa mga magpapaabot ng tulong.
Ang Oplan Alalay ay binunuo ng mga uniformed field and crew personnel na matatagpuan sa mga highway at strategic location.
Sila ang magbibigay ng agarang tulong sakaling magkaroon ng aberya sa mga kalsada. Jocelyn Tabangcura-Domenden