MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Supreme Court (SC) ang pagdaraos ng oral argument hinggil sa paglilipat ng ₱89.9 bilyon na PhilHealth funds patungo sa national treasury.
Sa abiso ng SC, ni-reschedule ng Korte Suprema ang oral arguments sa February 4,2025 sa halip na sa January 14, 2025.
Ayon sa mga petisyon sa mga nasabing kaso, labag sa Saligang Batas ang bahagi ng General Appropriations Act at DOF circular na pinapayagang ibalik sa National Treasury ang sobrang reserve funds ng isang government-owned and controlled corporation o GOCC gaya ng PhilHealth para pondohan ang unprogrammed appropriations.
Magugunita na pansamantalang pinigil ng Supreme Court ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth papunta sa kaban ng gobyerno.
Sa SC En Banc resolution, naglabas ang korte ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan ang hindi nagamit na PhilHealth funds patungo sa national treasury.
Pinagsama sama na rin ng SC ang mga petisyun ng 1SAMBAYAN Coalition sa petisyun nina Sena.Koko Pimentel at dating Bayan Muna Chairman Neri Colmenares.
Kinuwestyon ng tatlong petisyun ang pagbabalik ng sobrang reserve funds ng mga government-owned and controlled corporations patungo sa national treasury upang pondohan ang mga unprogrammed appropriations. Teresa Tavares