BICOL, Philippines – Ipinagpaliban muna ang pagtaas ng dagdag na pagtaas sa minimum wage sa mga mangaggawa sa Region V o Bicol region ngayong Disyembre 2024.
Sa year end press briefing ng Department of Labor and Employment (DOLE), sinabi ni Secretary Bienvenido Laguesma na ito ay matapos hilingin ng grupo ng mga manggagawa sa Bicol Region para mabigyan ng pagkakataon na makabangon sa magkaaksunod na bagyo.
Ayon sa kalihim, nagpadala ng sulat ang nasabing rehiyon kung saan ipagpaliban muna ang pagtatalakay sa adjustment minimum wages.
Sinabi ni laguesma na ito ay pansamantala lamang dahil posibleng bumalik rin sa mga susunod na buwan sa pagtalakay ang Regional Wage Tripartite and Productivity Board para sa wage increase.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang Kalihim kung magkano ang posibleng matalakay na dagdag sweldo dahil ito ay dadaan pa sa pag-aaral ng Wage Board. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)