Home NATIONWIDE Orange rainfall warning itinaas sa Zambales, Bataan

Orange rainfall warning itinaas sa Zambales, Bataan

174
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng state weather bureau PAGASA nitong Huwebes ng umaga ang orange rainfall warning sa Zambales at Bataan dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Bunsod ng nasabing babala, sinabi ng PAGASA na “nagbabanta pa rin” ang pagbaha sa Zambales at Bataan, kaya kailangang maging handa ang mga residente sa posibleng paglikas.

Samantala, itinaas ang yellow rainfall warning sa Tarlac at Pampanga, ibig sabihin ay kailangang maging alerto ang mga residente sa posibleng pagbaha sa mga lugar na madalas bahain.

Umalis na sa Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) ang Bagyong Carina alas-6:20 ng umaga. Gayunpaman, patuloy na palalakasin ni Carina ang Southwest Monsoon o Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here