MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa na pagbabawal ng nakahubad pang-itaas sa pampublikong lugar.
Ito ay bilang tugon sa mga ulat at opinyon ng publiko sa umano’y “anti-poor” na epekto ng ordinansa.
Ayon sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng Manila Police District (MPD), ang lahat ng yunit na kasangkot sa Oplan Galugad at iba pang anti-criminality operations ay inatasang umiwas sa pagpapataw ng parusa.
Sa halip, magsasagawa sila ng babala at information drives upang itaguyod ang tamang asal at pamantayan ng komunidad.
Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang tiwala ng publiko at masiguro ang makatao at mahabaging pagpapatupad ng batas sa lahat ng lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden