MANILA, Philippines – Isang lalaki ang natagpuan na may tama ng baril sa katawan sa isang madamong lugar sa Daang Hari Road, Brgy Pasong Buaya, Imus City, Cavite Sabado ng gabi.
Ayon sa nakalap na impormasyon, hinihinalang ilang oras nang patay nang natagpuan ang bangkay ng biktima na si alyas Dexter ng Lalanguyan, Brgy. Pasong Buaya 1, ng nasabing lugar.
Sa report, isang tawag ang natanggap ng Imus Component City Police Station kaugnay sa natagpuang bangkay.
Kaagad namang nagresponde ang pulisya at dito na narekober ang wala nang buhay na biktima at may tama ng bala sa leeg at itaas na bahagi ng kanyang bibig na pinaniniwalaang binaril ito bandang alas-6:00 kamakalawa ng gabi.
Sa isinagawang imbestigasyon, may isang suspek na si alyas Paldo ang iniuugnay na umano’y may kinalaman sa pagkamatay sa biktima.
Personal namang kinilala ang biktima ng kanyang kapatid na si alyas Arjay ng San Agustin 1, DasmariƱas City, Cavite.
Patuloy namang ang masusing imbestigasyon sa kaso upang malaman ang naging motibo nito sa pagpatay sa biktima. MARGIE BAUTISTA