Home NATIONWIDE Usapang pangkapayapaan ng US-Iran bumagsak

Usapang pangkapayapaan ng US-Iran bumagsak

139
0

MANILA, Philippines – NAG-SIUWIAN ang mga delegasyon ng United States at Iran nang walang naging kasunduan para sana sa pagtigil ng digmaan sa pagitan ng US at Iran.

Nagmiting ang dalawang panig nang hindi nagkita sa iisang lamesa kundi sa paglalakad ng mga opisyal ng Pakistan patungo at pabalik sa kani-kanilang silid ng mga delegasyon.

Binuo ang delegasyon ng Iran ng 71 katao na pinamunuan nina Iran Ambassador Abbas Araghchi at Iran Parliament Speaker
Mohammad Bagher Ghalibaf habang pinamunuan ni US delegation Vice President JD Vance.

Ipinahayag ni Vance na wala ni anomang napagkasunduan sa pagitan ng dalawang bansa sa ilang mahalagang kondisyon ng magkabilang panig.

Para sa Iran, may karapatan ang Iran na gumawa ng nuclear power bilang gamit-pang-sibilyan, kailangang magbayad ang US sa mga pinatay nito na libo-libong Iranian at sinirang ari-arian, may karapatang pahusayin nito ang sariling mga missile at drone na armas, dapat tanggal ang lahat ng base militar US sa Gitnang Silangan, kasama sa tigil-putukan at usapang pangkapayapaan ang alitan ng Lebanon at Israel, itigil ng US ang mga pag-atake nito sa Iran kahit kailan, hindi pakikialam ng US sa relasyon ng Iran sa Hezbollah at Houthi sa Yemen at may kontrol ito sa Strait of Hormuz.

Lahat ng ito ay tinanggihan ng US at kabaligtaran dito ang nais nito gaya ng zero nuclear program ng Iran, pagbubukas ng Stait of Hormuz nang walang kondisyon, hindi pagkakasali sa usapan ng giyerang Hezbollah at Israel at iba pa.

Dahil dito, malamang umanong magpatuloy ang digmaan at higit pang mas mabangis ang darating na digmaan na pagmumulan ng higit pang krisis bago dumating ang mahigit isang araw lamang na tigil-putukan.

Tanging ang giyera sa Lebanon na kinasasangkutan ng Israel at Hezbollah ang hindi tumigil na kinasangkutan din ng Iran na nang-missile at nang-drone sa Israel, partikular sa Ben Gurion International Airport at Tel Aviv. FRED CABALBAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here