Home NATIONWIDE Pag-alis ng VAT, diskwento ng langis ipinanawagan ng Simbahan

Pag-alis ng VAT, diskwento ng langis ipinanawagan ng Simbahan

120
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs (CBCP-ECPA) sa pamahalaan at mga kompanya ng langis na magkaisa upang tugunan ang krisis sa petrolyo na nagpapahirap sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-ECPA, dapat bawasan o pansamantalang tanggalin ang Value Added Tax (VAT) sa petrolyo upang mapababa ang presyo nito sa merkado.

Hinimok din niya ang mga kumpanya ng langis na magbigay ng diskuwento sa presyo ng gasolina upang maibsan ang pasanin ng mga driver.

Binanggit ni Fr. Secillano na hindi lamang ang pamahalaan ang dapat kumilos, kundi pati ang mga pribadong kumpanya ng langis na sa halip na makatulong ay nagiging sanhi pa ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, umaabot na ang gasolina sa P120 kada litro, diesel sa P170 kada litro, at kerosene sa P150 kada litro ngayong Abril 2026, mula sa mas mababang presyo noong Enero.

Dahil dito, nagsagawa na ng transport strike ang maraming tsuper at humihiling ng pagtaas sa pamasahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here