Home NATIONWIDE Ormoc City isinailalim sa state of calamity sa dengue outbreak

Ormoc City isinailalim sa state of calamity sa dengue outbreak

MANILA, Philippines- Nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Ormoc City sa Leyte ng state of calamity dahil sa dengue outbreak sa lugar.

Ipinasa ng 16th Sangguniang Panlungsod ang Resolution No. 2024-234 nitong Huwebes, ayon sa post ng local government unit sa Facebook nitong Biyernes.

Nauna nang hiniling ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez sa city council na magdeklara ng state of calamity dahil sa tumataas na bilang ng dengue cases, batay sa rekomendasyon ng Ormoc City Health Board and the City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

May kabuuang 444 kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1, 2024 hanggang Agosto 3, 2024, ayon kay City Health Officer Dr. Sarah Hermoso sa isang emergency meeting kasama ang local government officials.

Mas mataas ito ng 225% kumpara sa bilang ng kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“Dr. Hermoso explained that the data showed that at least 20% of the population is now affected with the epidemic,” saad sa resolusyon.

Iiral ang state of calamity sa loob ng isang taon mula nang ideklara subalit maaaring kalusin agad base sa rekomendasyon ng CDRRMC.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na nagsimulang tumaas ang dengue cases sa gitna ng tag-ulan.

Noong Hulyo, pumalo ang bilang ng dengue sa bansa sa 18,000 mark, ayon sa datos ng DOH data.

Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na isagawa ang 4S strategy laban sa dengue: Search and destroy breeding places; Secure self-protection; Seek early consultation; at Support fogging or spraying in hotspot areas, partikular ngayong tag-ulan. RNT/SA