Home METRO Niyogyugan fest aarangkada sa Quezon

Niyogyugan fest aarangkada sa Quezon

Ang Niyogyugan Festival sa lalawigan ng Quezon ay sinimulan na ngayong taon upang muling pagtuunan ang buhay ng mga lokal na magsasaka ng niyog.

Sinimulan ang taunang pagririwang sa kapitolyo na may temang “Tara na Quezon! Niyogyugan na.”

Nagbukas ang pagdiriwang noong Agosto 8, kung saan sinalubong ni Gov. Angelina Tan ang mga panauhin sa isang ritwal na “tagayan” na may lagok ng “lambanog” sa loob ng coconut-inspired pavilion sa harap ng parke.

Ang pagdiriwang ay nagbibigay pugay sa industriya ng pagsasaka ng niyog sa lalawigan.

Ayon sa kasaysayan nito,ang pagdiriwang, na nag-ugat sa salitang “niyog” at “yugyog”  na nagsimula taong 2011 ng Agosto at naging isang linggong pagdiriwang na tinawag na “Niyogyugan Festival” upang magbigay pugay sa mga magsasaka ng niyog at isulong ang lokal na turismo.

Nilahukan ito ng mg pinuno ng mga lokal na pamahalaan, mga residente at mga panauhin kung saan ang karamihan sa kanila ay mga out-of-town na bisita na dumayo pa sa lalawigang ito upang saksihan ang mga programang inihnda para sa pagdiriwang na nagpapakita ng mayamang kukltura, heritage at tourists spots ng kani-kanilang lokalidad.

Karamihan sa mga kaganapan ng pagdiriwang ngayong taon ay ay ang pagpapasiklaban ng bawat bayan sa pagandahan ng kanilang “booth” kung saan bida rin ang kanikanilang mga produkto mula sa pagkain, kagamitan sa bahay at kultura ng bawat bayan.

Ang mga booth na itinayo ayy nag-aalok ng katutubong pagkain at mga produkto na natatangi mula sa 41 na bayan at dalawang lungsod ng lalawigan.

Nagpahayag din si Gov. Tan na nagsagawa sila ng ilang pagbabago sa pagdiriwang ngayong taon para sa kapakinabangan ng mga magsasaka ng niyog at palakasin ang pagsulong ng industriya ng turismo.

Ipinahiwatig ni Tan na ang pagbabago ay tututuon sa layunin ng selebrasyon, kung saan ang industriya ng niyog ng lalawigan ay nasa sentro.
Ayon pa kay Gov. Tan, naniniwala siya na bumalik na ang sigla ng turismo sa Quezon at patunay rito ang pagdagsa ng mga tao upang makiselebra.

Idinagdag naman ni Provincial tourism officer Nestler Louis Almagro na hindi na lang pagkqin ang pinupuntahan ng mga tao sa Quezon kundi mga tourist destination kaya nag aalok na rin sila ng package tour.

Sinabi pa ni Gov. Tan na ang pagdiriwang ay sinimulan nitong Agosto 8 at magtatapos sa Agosto 19 kung saan ibat ibang programa at patimpalak ang inihanda ng provincial government. RNT