MANILA, Philippines – Naghain ng Certificate of Candidacy para sa re-election sa 2025 si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez nitong Miyerkules, Oktubre 2.
Sinamahan si Torres-Gomez ng kanyang asawang si Leyte Fourth District Rep. Richard Gomez, ilang mga local na opisyal at ang ina nitong si Julie Torres, at anak na si Juliana Gomez.
Kung mahahalal, ito na ang ikalawang termino ni Torres-Gomez bilang alkalde ng Ormoc City.
Una siyang nanungkulan noong 2022 nang makipagpalit ng posisyon sa kanyang asawa.
Bago maging alkalde, si Torres-Gomez ay nagsilbing representative ng Fourth District ng Leyte. RNT/JGC