Home NATIONWIDE DMW, DFA at OWWA sanib-pwersa sa pagpapauwi sa mga OFW sa Lebanon

DMW, DFA at OWWA sanib-pwersa sa pagpapauwi sa mga OFW sa Lebanon

MANILA, Philippines – SANIB-PUWERSA ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-monitor para tiyakin ang ligtas na pagpapauwi sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naipit sa tumataas na tensyon sa Lebanon.

Kamakailan lamang ay iniulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ang pagbomba sa Dahieh, malapit sa MWO, kung saan may 63 OFWs ang namamalagi.

Ang lahat ng OFWs ay ligtas mula sa kamakailan lamang na pag-atake at kagyat na inilipat sa isang hotel sa Beit Mery, Lebanon para sa pansamantalang pamamalagi sa mas ligtas na lugar.

Mayroon din na 16 overseas Filipino ang pansamantalang nanunuluyan sa nirentahang pasilidad sa Beit Mery para tiyakin ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Ang patuloy na kanselasyon ng outbound flights ng mga pangunahing airlines ay bunsod ng kamakailan lamang na pagsabog sa Beirut , nakapag-paantala sa pagpapauwi sa 15 OFWs na original na nakatakda sanang iwan ang Lebanon noong Setyembre 25, 2024.

“Three among the batch (one with medical condition) are rescheduled to go home on October 11, 2024, while the remaining 12 OFWs will join the other 17 OFWs who are set for repatriation on October 22, 2024, barring unforeseen circumstances,” ayon sa ulat.

Inaayos din ng MWO-Beirut ang pagpapauwi sa karagdagang 63 OFWs na may kompletong dokumentasyon at clearances na iwanan ang Lebanon.

“As there is a temporary suspension of operations in some offices in Beirut due to the recent explosions, there are more than 100 OFWs awaiting clearance from the immigration authority, before they will be scheduled for repatriation,” ayon pa rin sa ulat.

Ang Whole-of-government assistance at suporta ay pagkakaloob naman sa OFW repatriates sa kanilang pagbabalik, gaya ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang lahat ng ito ay kaagad na makatatanggap ng financial assistance mula sa DMW AKSYON Fund at OWWA.

Sa ngayon, mayroong 430 OFWs at 28 dependents ang napauwi na sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng DFA, DMW, at OWWA.

Samantala, may isa namang contingency plan ang inaayos para tiyakin ang kapakanan at kaligtasan ng OFWs sa Lebanon sa anumang pagkakataon. Kris Jose