MANILA, Philippines – Isasaalang-alang ng gobyerno ng Pilipinas ang chartered flights para maiuwi ang mga overseas Filipino workers sa Lebanon sa gitna ng opensibang inilunsad ng Israel laban sa grupong Hezbollah, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Bernard Olalia.
Iniulat na naantala ang repatriation ng mga OFW dahil sa kanselasyon ng mga flight na itinakda sana noong Setyembre 25.
Sinabi ni Olalia na pinag-aaralan ng DMW ang ibang ruta bukod sa mga ruta ng mga eroplano para maiuwi ang mga Filipino.
Ayon sa DMW, kabuuang 430 OFWs at 28 dependents ang narepatriate na mula Lebanon sa pamamagitan ng pinagsanib na pagsisikap ng DMW, OWWA at Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni Olalia na ang deployment ng OFWs sa Lebanon ay hindi na papayagan dahil itinaas na ang Alert Level 3. Jocelyn Tabangcura-Domenden