Home NATIONWIDE Mga naghain ng kandidatura sa ikalawang araw ng COC filing, matumal

Mga naghain ng kandidatura sa ikalawang araw ng COC filing, matumal

172
0

MANILA, Philippines – Kapansin-pansin na mas kakaunti ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CON-CAN) sa ikalawang araw ng paghahain ng kandidatura ngayong araw, Oktubre 2 sa The Manila Hotel Tent City.

Ngayong araw, umabot lamang sa kabuuang 19 aspirants candidate ang naghain ng kanilang COC at CON-CAN.

Sa nasabing bilang 10 ang tumatakbong Senador kung saan pito ang Independent.

Siyam na partylist group din ang nagpasa ng certification of Certificate of Nomination and Acceptance.

Kung ikukumpara sa mga naghain ng kandidatura kahapon sa pagka-senador na umabot sa 17, mas mababa ngayong araw dahil 10 lamang ang nagpasa ng kanilang COC.

Habang 15 partylist group naman ang naghain ng CON-CAN kahapon Oktubre 1, umabot lamang ng siyam ang naghain sa ikalawang araw ng COC, CON-CAN filing para sa 2025 national and local elections.

Sa naging pahayag ni Commission on Election (Comelec) spokesman Atty. John Rex Laudiangco na tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap nila ng COC sa kahit sinong indibidwal ang magpapasa nito.

Ito’y sa kabila ng mga nagpapasang aspirante na pawang mga independent at mga ilang beses na rin naideklarang nuisance candidate.

Giit ni Laudiangco, sasalain nila ang mga naghain ng COC sa pagka-senador limang araw matapos ang deadline ng pagpapasa nito o sa Oktubre 8, 2024.

Pagkatapos ng limang araw ay saka lamang maidedeklara ang isang kandidato kung ito ay isang nuisance candidate.

Mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 2, umabot na sa kabuuang 27 ang senatorial candidate at 24 naman ang Partylist groups. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here