Home NATIONWIDE OSAA itinangging walang CCTV footage sa Senate shooting

OSAA itinangging walang CCTV footage sa Senate shooting

55
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) ang kumakalat na impormasyon online na walang CCTV footage sa ikalawang palapag ng Senado noong insidente ng pamamaril noong Miyerkules, Mayo 13.

Ayon kay Senate Acting Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, “The Office of the Senate Sergeant-at-Arms strongly denies the false and misleading information circulating on social media platforms and being reported by certain news agencies claiming that there was no available CCTV footage covering the 2nd Floor of the Senate Building.”

Nilinaw niya na gumagana ang CCTV system ng Senado noong May 13, araw ng insidente.

Nauna rito, sinabi ni Aplasca sa isang panayam na hindi nila makita sa CCTV ang eksaktong posisyon ng OSAA at Marines, at tanging “tail” lamang ng kanilang tactical personnel ang nakikita sa footage.

Ayon sa OSAA, humiling ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group–NCR ng kopya ng CCTV footage noong May 14, at agad naman itong ibinigay ng opisina sa parehong araw.

Dagdag pa ng OSAA, pinirmahan ng mga kinatawan ng pulisya ang mga dokumento na tumanggap ng footage mula sa DVR 2 CCTV Cam 8 at DVR 8 CCTV Cams 7 at 8 kaugnay ng insidente.

“The certifications further affirmed that the CCTV footage provided was authentic, original, unaltered and directly obtained from the official Senate CCTV system,” ayon sa pahayag.

“These official records categorically disprove allegations that no CCTV footage existed or was made available to authorities,” dagdag pa ni Aplasca.

Ang insidente ay kaugnay ng tensyon matapos lumutang ang posibleng pag-aresto kay Senador Ronald dela Rosa dahil sa International Criminal Court warrant kaugnay ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Nauna nang inamin ni Aplasca na nagpaputok siya ng unang warning shot sa gitna ng komprontasyon sa NBI agents, habang sinabi naman ng Palasyo na hindi umano nagtangkang arestuhin si dela Rosa ang mga NBI at nasa GSIS compound lamang sila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here