Home ENTERTAINMENT Osang, aminadong lumolobo sa pagluluto!

Osang, aminadong lumolobo sa pagluluto!

Manila, Philippines – Family and close friends ang kasalo ni Rosanna Roces nang ipagdiwang niya ang kanyang ika-51 kaarawan.

Ginanap ang dinner blowout niya sa isang resto, bagay na hindi taun-taon nangyayari.

Hindi kasi mahilig si Osang sa mga showbiz party.

Siyempre, hindi mawawala ang asawa niyang si Blessy Arias.

Kay Blessy rin nanggaling ang kauna-unahan niyang alahas bilang birthday gift.

Suot-suot nga ng dating sexy star ang diamond earrings ng gabing ‘yon.

Kung napapansin daw siya noong araw pa’y hindi talaga mahilig si Osang magsuot ng mga alahas.

Aniya, the only time she bought herself a pair of earrings ay nu’ng um-attend siya ng premiere night ng pelikula niyang La Vida Rosa.

Taong 2001 pa raw ‘yon, at pagkasuot ay ibinenta rin daw niya.

Asked kung ano ang birthday wish niya, walang kagatul-gatol na sagot ni Osang: “Pera! Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa…pera ang gusto ko!”

Same with the birthday present she got, ani Osang ay iba raw ang pakiramdam kapag siya naman ang binibigyan.

Nasanay na raw kasi si Osang na siya ang laging nagbibigay.

Bukod sa pera’y wish din ni Osang na masundan ang Ang Probinsyano where she last appeared in.

Dahil wala raw siyang raket, wala raw siyang ginagawa sa bahay kundi magluto nang magluto.

“Kaya heto, nagtatabaan kami!” pag-amin ng birthday girl. Ronnie Carrasco III

Previous articleTeachers’ group pumalag sa ‘mass promotion’, lumalalang educ crisis
Next articleMWSS: Walang water interruption sa kabila ng limitadong water allocation