Home METRO MWSS: Walang water interruption sa kabila ng limitadong water allocation

MWSS: Walang water interruption sa kabila ng limitadong water allocation

MANILA, Philippines- Nilimitahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) nitong Huwebes ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila mula sa Angat Dam sa 52 cubic meter per second (cms) sa kabila ng pagtaas ng demand sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni MWSS Division Manager Engineer Patrick James Dizon na napag-alaman na sapat ang 52 cms allocation para sa Metro Manila, na pinatunayan ng walang naiulat na water interruptions.

“Yung pinresent po naming data, na narecover po natin like yung non-revenue water (NRW) 74 million liters per day (MLD), yung narecover natin, this May. We wanted to recover 100 MLD,”ani  Dizon.

Nauna nang pinayagan ng National Water Resources Board (NWRB) ang hiling ng MWSS na panatilihin ang 52 cms allocation para sa dalawang water concessionaires hanggang June 15, at 50 cms mula June 16 hanggang June 30.

“Historically, the water level at the Angat Dam increases in July. We are hopeful that by June or July we would have weather interventions that would increase the water elevations in our dams,” pahayag ni Dizon. RNT/SA

Previous articleOsang, aminadong lumolobo sa pagluluto!
Next articleDBM nagbabala sa publiko vs fixers, scammers