Home NATIONWIDE DBM nagbabala sa publiko vs fixers, scammers

DBM nagbabala sa publiko vs fixers, scammers

MANILA, Philippines- Pinag-iingat ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga  fixersat scammer na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.

Payo ng DBM sa publiko na iwasan na makipag-transaksyon sa “unscrupulous individuals” na nangangako na pabibiliisn ang trannsaksyon sa ahensiya.

“The department would like to emphasize that we will never authorize any individual or group to solicit money, goods, or favor in exchange for facilitating such transactions,” ayon sa kalatas ng DBM.

“We will not, in any way, tolerate or condone false representation or solicitation of any kind as this is a clear violation of the law,” dagdag na pahayag nito.

Tinuran pa ng DBM na mananatili ito at paninindigan ang integridad, kasipagan at transparency sa lahat ng proseso at transaksyon, bilang pagsunod sa umiiral na batas,  rules and regulations, lalo na pagdating sa pagre-request at pagpapalabas ng public funds.

Sinabi pa ng departamento na ang pagsusumite ng requests para sa  Local Government Support Fund– Financial Assistance (LGSF-FA) sa  local government units (LGUs) ay magagawa lamang sa pamamagitan ng igital Requests Submission for Local Government Support Fund (DRSL) matatagpuan sa DBM Apps Portal.

Ang lahat ng dokumento na  isusumite ng  LGU sa pamamagitan ng ibang paraan ay “automatically denied.”

“To prevent scammers, middlemen, fraudulent individuals, or organized groups from making representations that they can influence or facilitate the release of the LGSF-FA to LGUs, the DBM shall directly deal only with the local chief executive of the LGU concerned,” ayon sa DBM.

Kaya pinayuhan ng departamento ang lahat na maging bigilante at kaagad na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa paghahain ng tamang reklamo laban sa mga walang konsensiyang  indibiduwal.

“We urge the public to be more discerning and to report scams or other spurious activities by calling (02) 865-7-3300,” ang sinabi ng DBM. Kris Jose

Previous articleMWSS: Walang water interruption sa kabila ng limitadong water allocation
Next articleIlang biyahe ng PNR, suspendido sa pagsasaayos ng sistema