Home ENTERTAINMENT Osang, pinagtripan si Joseph, inanyayahan ang mga ‘accla’!

Osang, pinagtripan si Joseph, inanyayahan ang mga ‘accla’!

Manila, Philippines – Tuod na siguro ang beki o girlash na hindi makaka-appreciate sa magandang hubog ng pangangatawan ng celebrity hunk na si Joseph Marco.

Wearing the underwear he’s endorsing, nag-flex si Joseph ng kanyang larawan sa Instagram.

At sa comment section nga nito’y ayaw pahuli si Rosanna Roces.

Post ni Osang: “Mga accla, kuha na tayo ng kanin, may ulam na!”

Halinhinan namang nag-comment ang mga netizen sa paanyaya ni Osang.

Sey ng isang netizen: “Kaldero po ba?”

Sinagot naman ito ng isa pa: “Samahan mo na ng panulak, baka mabulunan ka!”

Hirit naman ng isa pa: “Tirhan n’yo kami!”

Sinundan ito ng isa pa: “Eto, nagsasaing na!”

Kinaaliwan naman ito ni Joseph mismo who posted: “Thank you for making the comment section fun!”

Tulad ng alam ng lahat, kasal si Osang kay Blessie na isang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Even then, men with beautiful bodies catch her fancy, but just the thrill of it na lang.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong “pinagtripan” ni Osang si Joseph.

Nito lang February ay nag-flex ang hunk ng kanyang larawan sa social media wearing sando and briefs.

Comment ni Osang: “Dyusko, tanghaling tapat may pabakat si mayor!”

Sayang nga lang, Osang was born ahead of Joseph dahil if she were the hunk’s age, tiyak nagkasama sila sa mga sexually titillating films! Ronnie Carrasco III