Home ENTERTAINMENT Joey, nagpasaring kay Noli!

Joey, nagpasaring kay Noli!

248
0

Manila, Philippines – Hindi pinaligtas ni Joey de Leon ang tinuran ni Noli de Castro sa closing nito sa TV Patrol nu’ng araw ng kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Hindi kasi sinasadya na kasagsagan din ‘yon ng pananalasa ng bagyong Egay.

Maging ang mga kapwa niya news anchors na sina Karen Davila at Bernadette Sembrano ay tila sinita si Noli.

“Eto naman, o!” ang reaksyon ng dalawa nang sabihin ni Noli na kawawa naman ang ilang mga binabagyo nating kababayan habang ikinakasal sina Maine at Arjo.

Si Joey ay isa sa mga ninong sa naturang kasal.

And knowing the Master Henyo, he didn’t take Noli’s comment sitting down. Si Joey pa?!

Eto ang resbak ng E.A.T. host: “Du’n sa mga epal, dalawang bagay lang ‘yan, mga kaibigan.”

Dito na binanggit ni Joey what he was driving at: “Nauna si Menggay kesa kay Egay.”

Take note na nahanapan talaga ni Joey ng kunek si Maine sa bagyo sa pamamagitan ng rhyme.

Patuloy pa niya: “At ang ‘kasalanan’ nila, eh, ‘yung unang limang letra…’kasal,’ ‘yun lang ‘yon.”

Hindi pa roon natapos ang patutsada ni Joey dahil sa bandang huli’y bumanat ito ng: “Ang mas matindi pa kay Egay, eh, ‘yung mga epal!”

Samantala, over at Eat Bulaga ay todo emote naman si Paolo Contis.

Aniya, nasasaktan daw sila pag tinatawag silang Fake Bulaga.

Tulad ni Joey, hindi rin ito pinalampas ni Tito Sotto who commented: “So, why not think of a new name?”

Nang hingan naman ng reaksyon si Paolo ay tumawa lang daw ito.

Tawa ng pagsang-ayon, what else?! Ronnie Carrasco III

Previous articleSharon, in-unfollow ang mga Sharonians!
Next articleOsang, pinagtripan si Joseph, inanyayahan ang mga ‘accla’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here