Home ENTERTAINMENT Sharon, in-unfollow ang mga Sharonians!

Sharon, in-unfollow ang mga Sharonians!

Manila, Philippines – Hindi pa rin maunawaan ng ilang Sharonians kung bakit kailangan silang i-unfollow mismo ng kanilang idolo.

Ito’y sa kabila ng paliwanag ni Sharon Cuneta that she had no other choice but to unfollow her fans on Instagram.

Maliwanag na kinailangan daw gawin ‘yon ni Sharon kesa tuluyang mawala ang kanyang account.

“Sharonians, puno na kasi kaya kailangan kong magbawas,” esplika ng Megastar.

Pero hindi naman daw ibig sabihin niyon ay hindi na mahalaga o hindi na niya mahal ang kanyang mga tagahanga.

Despite being unfollowed ay maaari pa rin naman daw mag-comment ang mga Sharonians at sasagutin niya ang mga ‘yon.

Humihingi si Sharon ng pang-unawa mula sa mga Sharonians yet there are still others who don’t buy her reason.

Isang netizen tuloy ang naghamon kay Sharon kung kaya nitong i-unblock si Gabby Concepcion.

Matatandaang blinak nina Sharon at Gabby ang isa’t isa nang magkaroon sila ng isyu.

Bukod sa matagal nang panahon ‘yon, mas may dahilan daw si Sharon na i-unblock si Gabby ngayon.

Balitang magsasama ang former couple sa isang reunion concert.

All the more nga naman daw na they need to keep their lines of communication open.

And after the concert, what? Balik-blocked uli sila sa isa’t isa? Ronnie Carrasco III