Home METRO Ex-abc prexy at anak patay sa tambang

Ex-abc prexy at anak patay sa tambang

MATALAM, Cotabato- PATAY ang dating pangulo ng Association of Barangay Chairman (ABC) at kasapi ng Bangsamoro Council of Elders habang binawian ng buhay sa ospital ang anak nito matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong suspek kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Anwar Ebrahim Salem, 52-anyos, taga Purok 1, Barangay Arakan, Matalam, Cotabato at anak nitong si Anwar Hudines Salem Jr., 21-anyos, estudyante, taga Purok Daisy, Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato.

Batay sa report ng Matalam Police Station, bandang 6:00 PM ng maganap ang krimen sa Sitio Lambayao, barangay Kibia, Matalam Cotabato.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Arniel Melocotones, hepe ng Matalam-PNP, sakay ng motorsiklo ang mag-ama mula sa barangay Arakan nang harangin sila ng mga armadong suspek at pinagbabaril.

Tinamaan sa ulo ang matandang Salem na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang nagtamo naman ng sugat sa katawan ang anak nito.

Agad naman isinugod sa ospitang batang Salem subalit habang nilalapatan ito ng lunas at nalagutan rin ng hininga.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito./Mary Anne Sapico

Previous article2 suspek sa pagpatay sa babaeng kinarton, timbog na!
Next articleSharon, in-unfollow ang mga Sharonians!