Home ENTERTAINMENT Osang, sinabihang kulot ang sungay!

Osang, sinabihang kulot ang sungay!

Manila, Philippines – Pakitang-gilas. Pa-impress.

Pabidang kontrabida.

Swak ang paglalarawang ito kay Rosanna Roces na tampok sa pagsisimula ng Season 3 ng Pira-pirasong Pangarap.

Sa kuwento, sinusundan niya si Maricel Soriano.

Aminado si Osang na obligado niyang galingan ang kanyang performance para ‘di mapahiya sa kanyang predecessor.

Flattering nga dahil top of mind si Osang ng direktor ng PPP.

Simple lang ang choice ni direk Raymund Ocampo para si Osang ang kunin to play villainess: “Kulot ang sungay niya!”

Kaya naman lahat daw ng pagpapa-impress sa trabaho niya ang ginagawa ng dating bold star.

Natuto na raw kasi siya sa kanyang mga pagkakamali.

ABS-CBN gave her a break daw pero aminado siyang hindi niya sineryoso ang oportunidad na ‘yon.

Realizing her shortcomings, ipinagdasal daw ni Osang na mabigyan siyang muli ng isa pang pagkakataon.

After PPP, nakasunod nang gagawin ni Osang ang Pamilya Sagrado.

At dahil nga sa tiwala ng istasyon, sumumpa si Osang na hinding-hindi ipagpapalit ang ABS-CBN sa ibang network.

‘Yun ay sa kabila ng kawalan niya ng kontrata.

Matatandaang Osang traces her roots to GMA 7. Ronnie Carrasco IiI