Home NATIONWIDE Mass oath-taking ng mga bagong piskal, idinaos

Mass oath-taking ng mga bagong piskal, idinaos

MANILA, Philippines – Nanumpa na sa Department of Justice (DOJ) ang 98 na bagong itinalaga at na-promote na mga piskal.

Nabatid na ang 54 na prosecutors ay itinalaga ni Pangulong Marcos nitong Marso habang 68 sa mga ito ay na-promote sa National Prosecution Service (NPS) ng DOJ.

Idinaos ang mass oath-taking sa DOJ na pinangasiwaan ni DOJ Undersecretary Hermogenes T. Andres.

Ang mga hindi nakasipot sa seremonya ay maaari namang manumpa sa opisyal ng pamahalaan na otorisado na magsagawa ng oath-taking.

Hinikayat naman ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ang mga bagong itinalaga at promoted na piskal na tiyakin na gampanan ang tungkulin sa mataas na ethical standards at huwag kalimutan ang halaga ng kanilang papel sa pagpapatupad ng rule of law.

Sa kanyang mensahe ipinaalala ng kalihim sa mga prosecutor ang kanilang tungkulin bilang “ gatekeepers of criminal justice.”

Hindi aniya matatawaran ang kritikal na papel ng mga piskal para matiyak na protektado ang karapatan ng bawat mamamayan at maigagawad ang hustisya sa lahat.

Sa kabuuang 122 prosecutors na nanumpa sa tungkulin, lima ang na-promote sa Office of the Secretary of Justice Prosecution Staff (OSJPS) na sina Prosecutor V Hazel C. Decena-Valdez, Prosecutor II Angelica A. Laygo-Francisco, Prosecutor II Luis Miguel Alonso Flores, Prosecutor II BOrgy Vedna Calugay, at Prosecutor II Gino Angelo Palmero Yanga. Teresa Tavares