Home METRO OSG: Mga ari-arian ng alkalde ng Porac, Pampanga posibleng ipa-freeze

OSG: Mga ari-arian ng alkalde ng Porac, Pampanga posibleng ipa-freeze

115
0

MANILA, Philippines- Posibleng kumilos ang Office of the Solicitor General at isailalim din sa freeze order ang assets o mga ari-arian ni Porac Pampanga Mayor Jaime Capil.

Gayunman, ipinaliwanag ni Solicitor General Menardo Guevarra na ito ay kapag mayroon nang aktuwal na money laundering at civil forfeiture cases laban sa naturang alkalde.

Para naman aniya sa patas na hustisya ay tiniyak ni Guevarra na tututok lang ang OSG batay sa makakalap na mga ebidensya.

Ang pahayag ng OSG ay bunsod ng kautusan ng Court of Appeals sa Anti-Money Laundering Council na isailalim sa freeze order ang lahat ng mga ari-arian ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa pitong iba pa, gayundin sa anim na kompanya.

Magugunitang sina Capil at Guo ay kabilang sa mga ipinatawag at iniimbestigahan ng Senado kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO hub sa nasasakupan nilang bayan. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here