NAPAKALAKI ng responsibilidad ng Department of Labor and Employment o DOLE sa usaping pangkaligtasan at pangkalusugan ng ating mga manggagawa. Nasa kanila kasi ang mandato sa pagpapanatili ng occupational safety and health na isa sa workers right na kailangang bantayan. Kung matatag kasi ang OSH sa working environment, lumalayo ang tyansa na mangyari ang anomang insidente lalo na ang aksidente.
Isa sa mga panghikayat ng kagawaran ang pagbibigay ng libreng training para sa mga future safety officer. Sa kasalukuyan, may mga prescribed training na kailangan para makapagsimula sa ganitong trabaho. Ang mga ito ay ang 10-Hour Basic Occupational Safety and Health para sa safety officer 1 (SO1), at 40-Hour BOSH at Construction Occupational Safety and Health training para sa safety officer 2 (SO2).
Papaano nga ba naman hindi matututo ang mga safety officer na nagsipagtapos sa bakuran ng Occupational Safety and Health Center, ‘eh maliban sa talino at kasipagan ng mga resource speaker, consistent ang pagbabantay at pagtutok nina Secretary Bienvenido Laguesma at Executive Director Jose Maria Batino sa bawat training program kaagapay ang mga opisyales at staff ng ahensya.
Kung ating susuriin, proactive measures na matatawag ang mga aktibidades ng OSHC para nga naman makaiwas sa aksidente at anomang sakit ang ating mga manggagawa. Aba, mas magastos ang ma-ospital kaysa pagtalima sa mga OSH rule, dear readers, at ito ang dapat na pakatandaan ng mga employer, manager at supervisor ng kompanya. Kailangan nilang sabayan ang capacity building programs ng kagawaran para tuloy-tuloy na makamit ang progreso ng ekonomiya dahil sa positive safety and health culture.
Kaya para sa OSHC family, DOLE-Accredited OSH Practitioners and Consultants, Safety Officers at First Aiders sa buong Pilipinas, at mga manggagawa, MABUHAY KAYONG LAHAT!






