Home NATIONWIDE Outbreak ng Ebola sa Congo kumalat na sa pitong probinsya

Outbreak ng Ebola sa Congo kumalat na sa pitong probinsya

1
0

CONGO – Kumalat na ang outbreak ng Ebola sa Congo sa pitong probinsya.

Ito na ang pinakamabilis na paglobo ng outbreak ng naturang sakit sa buong mundo.

Ayon sa gobernador ng northwestern province ng Sud-Ubangi, Jean-Rene Galekwa Vundawe, sinuri ng national research institute ng Congo ang sample at nakita ang bakas ng Bundibugyo virus, isang rare na uri ng Ebola na nagdudulot ng kasalukuyang outbreak.

Ang mga sample na ito ay nagmula sa Bulu health district sa Sud-Ubangi.

Hindi naman na nagbigay ng impormasyon kaugnay sa source ng impeksyon.

Samantala, sinabi ng dating health minister na si Jean-Jacques Mbungani na may naitala na ring positibong kaso ng sakit sa Gwaka, isang bayan sa Sud-Ubangi province.

Ito ay isang 23-anyos na lalaking pasyente na kalaunan ay namatay din.

Inalerto na ng mga doktor at awtoridad ang mga pasyente sa Sud-Ubangi na may lagnat at nagsusuka ng dugo.

“It worries me. … Our province borders Congo-Brazzaville and the Central African Republic. We fear it may spread regionally,” ani Mbungani.

Sa huling ulat ay umakyat na sa 7,022 ang kaso ng Ebola at 3,398 ang nasawi dahil dito.

Sinabi ng World Health Organization na pahirapan ang pagkontrol sa outbreak at nalampasan pa ang West Africa Ebola Outbreak noong 2014 hanggang 2016. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here