Home OPINION OVERHEAD POWER LINES MAPANGANIB

OVERHEAD POWER LINES MAPANGANIB

191
0

AWANG-AWA tayo sa isang trabahador na halos masunog sa pagkakakuryente habang nakalaylay ang kanyang katawan sa isang overhead power lines. Napanood natin ang viral video clip na ito sa social media. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin tukoy kung kailan at saan nangyari ang insidente kaya naman sinubukan nating mag-reach out sa nagpost nito subalit nabigo pa rin tayong makakuha ng kaukulang impormasyon. Isa lang ang kasiguraduhan, hindi generated ng artificial intelligence o AI ang ating napanood.

Sa huling parte ng video, nagkaroon ng ulirat ang biktima, nagpatihulog siya at swerte namang sinalo at na-rescue ng kanyang mga kasama. Sana naman ay nasa mabuti siyang kalagayan ngayon.

Napakadelikado ang pagkakabit o pag-aayos ng kable ng kuryente, telepono, o internet lalo na at may kaakibat ito na electricity, hot weather condition, falling object, at work at height na ilan lamang sa mga hazard.

Isa sa pinakamahalagang safety precaution ay ang maayos na pre-work assessment na maipakikita sa pamamagitan ng dokumentadong risk assessment at job hazard/safety analysis. Makatutulong ang paghingi ng gabay mula sa kompanya ng electric distribution utility anoman ang gagawing trabaho na may kinalaman sa pag-akyat sa poste o scaffold malapit sa mga linya ng kuryente.

Kailangan ding malinaw para sa mga trabahador ang mga kaakibat na panganib at solusyon upang makontrol ang mga hazard. Mahalagang simulan ang gawain sa tinatawag na toolbox meeting o safety briefing upang masiguro ang proteksyon ng lahat pati na rin ng publiko at mapakinggan na rin ang mga suhestiyon mula sa mga trabahador. Aba, obligasyon ng mga supervisor o manager ng proyekto na mabigyan ng sapat na edukasyon o awareness ang kanilang mga tauhan, dear readers.

Karagdagan sa mga nabanggit nating preventive measures ang pagkakaloob sa mga manggagawa ng aprubadong safety devices at angkop na PPE (personal protective equipment).

Malaki rin ang maitutulong ng pagberipika sa competency ng mga tauhan lalo na sa aspetong pag-identify ng hazard, pag-assess ng mapanganib na sitwasyon at kahandaan ng grupo bilang mitigation kung sakaling magka-aberya.

Malalakas ang boltahe ng overhead power lines at nakamamatay ito kaya ang solusyong nauukol ay hindi dapat isawalang-bahala.

Ang susi ng pagkakaroon ng positive safety and health culture ay safety leadership at kooperasyon ng bawat isa sa pagtugon at pagpapatupad ng occupational safety and health program. Kung wala nito, para na rin nating ipinain ang mga manggagawa sa mga mababangis na leon tulad ng nakamamatay na overhead power lines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here