Home NATIONWIDE OVP nagsagawa  ng relief ops para sa mga biktima ng Bagyong Carina,...

OVP nagsagawa  ng relief ops para sa mga biktima ng Bagyong Carina, first responders

150
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na sinimulan na nito ang kanilang relief operations para sa mga Pilipinong hinagupit ng bagyong Carina na naging dahilan ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng capital region ng Pilipinas.

Unang pinakilos ng OVP ang Kalusugan Food Truck nito para mamahagi ng arroz caldo sa 240 disaster responders sa Quezon City.

Matapos ito ay sinimulan naman ng OVP ang pamamahagi ng relief bags sa 300 pamilya na nanunuluyan sa Manresa Covered Court sa nasabi pa ring lungsod.

“Ang mga relief boxes ay naglalaman ng pangunahing pangangailangan ng pamilya tulad ng banig, kumot, kulambo, hygiene kits, tsinelas at collapsible water container,” ayon sa OVP.

Iniulat pa  ng OVP na mamamahagi rin ito ng relief boxes sa mga residente ng “most affected regions.”

Samantala, nagbabala at pinag-iingat naman ng weather bureau Pagasa ang publiko  sa southwest monsoon o habagat na mas pinalakas pa ng bagyong Carina na magdadala ng ‘moderate to intense rainfall’ sa iba’t ibang lokalidad at sa western portion ng Luzon, araw ng Miyerkules hanggang araw ng Biyernes, Hulyo 26. Ang Metro Manila ay inilagay sa ilalim ng state of calamity. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here