Home NATIONWIDE Price gouging, price freeze binabantayan kasunod ng state of calamity declaration

Price gouging, price freeze binabantayan kasunod ng state of calamity declaration

MANILA, Philippines- Kasunod ng deklarasyon ng state of calamity sa Metro Manila at Batangas nitong Hulyo 24, mahigpit nang binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin (basic necessities) na naka-freeze.

Ayon sa DTI, maaring patawan ng multa ang mga tindahang lalabag sa price freeze, bukod pa sa posibleng kasong kriminal, alinsunod sa Price Act. Binabalaan din ang mga negosyo, kabilang ang mga hotel at transient homes, laban sa “price gouging” o hindi makatwirang pagtataas ng presyo.

Babala ng DTI, nakamatyag ito sa mga lokal na pamahalaan sa pamamalakad at pagtrato sa mga konsyumer.

Hinihikayat ang publiko na iulat ang anumang insidente ng overpricing at mga katulad na paglabag sa DTI Consumer Care Hotline 1-384 o sa email address: [email protected]. Jocelyn Tabangcura-Domenden