Home METRO P1.2M marjuana shabu nasamsam sa Calabarzon

P1.2M marjuana shabu nasamsam sa Calabarzon

LUCENA CITY- Mahigit P1.2 milyong halaga ng marijuana at shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drugs operations noong Martes sa Laguna, Cavite, probinsya ng Rizal na nagresulta sa pagkakadakip sa 10 suspek.

Sa ipinalabas ng report ng Region 4A nitong Miyerkules, sa Sta. Rosa City, Laguna, nadakip ang isang high value individual na nangangalang “Marvin” bandangalas-8:15 ng gabi matapos makabili ang operatiba ng P3,000 halaga ng marijuana sa loob ng subdivision sa Barangay Kaingin.

Nakuha din sa suspek ang isang plastik at tatlong nakabalot na bundle na naglalaman ng mga tuyong dahon at namumukadkad ng marijuana na may bigat na anim na kilo at nagkakahalaga ng P720,000.

Sa Barangay Anabu 1-E, Imus, City, Cavite, bandang alas-5:30 ng hapon nahuli ang isang “Atenta” na isa din HVI, at nakunan ng tatlong pakete na naglalaman ng 50 gramo ng shabu at aabot sa halagang P340,000

Kinumpiska rin sa suspek ang mobile phone para alamin ang mga rekord ng kanyang mga transaksyon sa ilegal na aktibidades.

Nahuli naman sa Barangay Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite, sina “Joseph,” “Jama,” at “Willy” pawang mga street-level pushers, dakong alas-5 at nakuha sa mga suspek ang walong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P83,504.

Nadakip din sa Barangay San Isidro Rodriguez, Rizal sina“Romira,” at “Fel” bandang alas-8:30 ng gabi at nakuha sa mga ito ang apat na pakete na naglalaman ng shabu na may halagang P69,360.

Una rito, nahuli sina “Sofia,” “Jun Mark,” at “Juanito” sa isinagawang buy-bust operation at nakuha sa mga ito ang limang pakete na naglalaman ng shabu na may halagang P78,200.

Sinabi ng pulisya na ang mga suspek ay nasa local police watch list bilang street pushers.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek. Mary Anne Sapico